Thursday, August 11, 2011

Lutang

Paggising ko pa lang alam ko na ang mga naghihintay na isyung haharapin.

Sinlawak ng karagatan, nakakalula samantalang simple lang naman. Ang kasimplehan ang siyang lumulula at kumukumplika o depende sa tumitingin. Depende sa kin.

Nandiyan ang kapatid ng imposibleng paglaya ng mga binilanggo ng mga may kapangyarihan.  Nandiyan ang kamag-anakan ng mga winawala ng mga bangis ng katotohanan.  Hindi rin pahuhuli ang mga pinsang ginutom at sinalat, winarak, inabusong dignidad.  Ang buong mag-anak ng katotohanang inaarok ng isang kuldit o grupo ng mga nagrereuniong problema ng lipunan.

Kung tutuusin, sa ganito nga ayaw mo nang magising pa.  Pero hindi ko kinakalimutan ang mga nagpapapagaang sa lahat ng ito na katulad mo. 

Ang mga dahilan ng pagpahid ng muta upang malinaw na makakakita.  Ang mga dahilan ng pagmumumog upang magbitiw ng mababangong salita.  Ang mga dahilan ng paghahanda sa isang mayos na buhay at lipunan.

Na hindi mo lang alam ay simple kang timbang upang akoy patuloy na maglayag sa karagatang hindi ako maluloblob kailan man.  Ang kasimplehang ito ang magpapalutang sa mga nalulunod sa karagatang sinlaki ng problemang wala atang kalutasan.

Ikaw ang simpleng sa aki’y nagpapalutang sa pusod ng higanteng karagatan.
   

Monday, April 18, 2011

Kung paano ko naisahan ang kababalaghan (Part2)

Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo.  Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?

Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit














Part 2: Man of stir

Isang malakas na tinig ng babaeng tumatawa ang nagbalik sa ulirat ni Juan.  Nakakubli ito dilim na nakapalibot kay Juan.

“Ikaw nanaman!” mahina ngunit mariin na nasabi ni Juan. Kilala niya ang nagmamay-ari ng malanding tawa.

“Gago ka palang talaga! Hindi ka nga maaring mamatay. Kaya kahit ilang beses ka pang magpasagasa mabubuhay ka pa rin! Hahaha!”

“Bakit sino ba nagsabi sa ‘yong nagpapakamatay ako?” Mahinahon na tugon ng nakangising si Juan.

Sunday, April 10, 2011

Kung paano ko naisahan ang kababalaghan

Isa akong frustrated writer ng fiction at horror.  Kaya naman share ko lang ang isang maikling kwento ng kababalaghang matagal nang nasa kukote ko, ang "Kung paano ko naisahan ang kababalaghan"
--------------------

Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo.  Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?
















Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit



Part 1: Faster dan da spid of layf

Palaging mabilis ang pangyayari sa buhay ni Juan. Matagal na niyang iniisip na talikuran ang mga kapangyarihang nakuha mula kay Lucy. Ngunit paano?

Habang nasa ganito siyang pag-iisip, nabigla ang driver ng taxing kanyang arkilado sa babaeng tumawid at nahagip ng kotseng kasabay nilang bumabaybay sa kung tawagin ay deadly hi-way.

Saturday, April 2, 2011

May tama! hahaha!

Share natin ang isang talento ng Pinoy.  Nakatuwaan ng kasamahan ko at ipinamahagi sa amin sa FB.  nang mapakingggan ko, nakakatawa nga siya. okey aprub!





Tuesday, March 29, 2011

Paano?



Eto ang ilan sa mga panahong hindi ko mapigilang sumenti. makiisa po tayo at ipanalangin natin sila Sally, Ramon, Elizabeth at lahat ng OFW na lalaging nasa bingit ng panganib ang buhay...

Sunday, March 27, 2011

Patalastas: HRonlinePH palitan ng blog para sa karapatang pantao

Makiisa, makialam, makibahagi!  
Sa HR balitaan, blogging, palitan ng kuro-kuro atbp. sa on-line.
 
Tara na sa HRonlinePH! I-Like mo na!
HRonlinePH.wordpress.com
Human Rights Online Philippines…Promotion and Protection of Human Rights in the Philippines through Information Resources Online

Saturday, March 26, 2011

Sa pagtanda ng panahon

Nagkita-kita kami nitong biyernes.  Matapos ang lagpas isang dekadang hindi pagkikita heto kami at nagpapakalunod sa kasiyahan. Inuman, kainan, kwetuhan, tawanan, piktyur-piktyur (pang FB) at umaatikabong baliktanaw sa kaputik-putikang pinaggagagawa nuong panahong iyon. Ganito naman lahat ng reunion.

Tama, Dekda 90.  Noong kami ay mga aktibista pa. Parang nagrewind lahat sa kwentuhan...

Wednesday, March 23, 2011

Log-out


Eto lang ang ilan sa malungkot kong larawan. Puro kasi nakatawa ang iba.
Alas Dos Kwarentay Singko (2:45 am), madaling araw na mula sa isang inuman… Hindi pa lasing at mukhang bitin… hehehe kaya siguro hindi agad dinanalaw ng putik na antok. Pasok pa naman bukas…

Naisip ko buksan ang FB.  Nadatnan kong gising pa ang iba sa mga ka-FB ko. 

Habang patuloy ako sa pagmamasid sa mga updates at page ng mga friends ko, tinawag ako sa chat, “egay…. Paramdam ka naman!” ayon sa nag-pop-up na chat box.

Saturday, March 19, 2011

Imbisibol

Akala ko kapag nalaman mo
Yari ako
Mali at ‘di tama ang mahalin ko
Ang tulad mo
Kaya mas ginusto ng puso ko
Maikubli sa ‘yo
Ang pag-ibig kong
Sadya at totoo

Ngunit laking tuwa nang
Malaman ko
Na ayos lang naman
Pala sa ‘yo
Mahalin ka’y hindi
Palaging wasto
Ngunit ang mahalaga
Maaring mahalin mo rin ako…

Bagamat ‘di pala imbisibol ang
Pagtangi ko sa ‘yo…
masaya na malamang
alam na alam mo.

Nang naghulog ang diyos ng super powers sa sangkatauhan, anak ng putik… isa ako sa mga gising at nakasalo ng kapangyarihang maging imbisibol.  Sigurado ako, na hindi lang ako nag-iisa, madami kami… imbisibol nga lang kaya nga hindi natin sila nakikita. Hehehe. Malay mo isa ka na pala sa ‘min ‘di mo lang alam.

Habang ang katapat ng mga imbisibol ay yaong may kakayahang makakita ng malaliman o yung tagustagusan, malalakas ang 5 senses, kaya nahuhuli ang mga imbisibol na katulad ko.

Tuesday, March 15, 2011

Para kanino ka bumabangon? Kape, sigarilyo, lindol, tsunami at OFW

Kape, sigarilyo...

=============================================
Para kanino ka bumabangon?

Para sa anak. Para sa kaibagan. O sa ‘di mo kakilala. Para sa bata. O sa isip bata. Para sa marami. Para sa sarili.

Pag may Nescafe Classic na puro at tunay, sumasarap ang umaga. Para di ka lang basta gumigising, bumabangon ka ng may dahilan. Dahil pag tinulungan mong bumangon ang isang tao, parang buong bayan na rin ang bumabangon.

Bangon na sa Nescafe Classic.

==========================================

Biruin mo ‘yon… naisip ng gumagawa ng advertising company ng Nescafe ang konseptong ito.  Ano kaya ang vitamins na tini-take nila at ganito kalusog ang utak? Sa pag-inom kaya ng kape?

Elib talaga ako sa konseptong ito.  Na ang bawat isa sa atin ay kelangang may dahilan para bumangon… napa-wow ako talaga “ang gleng gleng!” reaksiyon ko habang pinanonood ang advertisement.

Karamihan nga sa mga kakilala ko ay nagsisimula ang umaga sa paghigop ng mainit na kape. Katulad ko, na hindi magiging kumpleto ang umaga kung walang kape at sigarilyong mas una pang inaasikaso kesa sa paghihilamos.

Monday, March 7, 2011

Malapit ka lang pero singlayo ka ng langit

Sariwa pa sa king panganorin ang inabot na pagpapahirap ng kalamnan nitong Feb 28 . Isang maaksiyong eksena sa topload ng van na aming inarkila. Ganito pala ang pakiramdam ng mga kargadang gulay o prutas.  Umaatikabong bugbugan at pakikipagtunggali sa matatarik, mabato at maputik na landas patungo sa aming paroroonan. Habang madaya at pasimpleng sinusunog pala ng araw ang aking balat nang ‘di ko namamalayan dahil ikinukubli ito ng malamig na klima.

Kinakailangan ng matindi-tinding kaalaman at galing sa pagda-drive sa ganitong uri ng daan.  Lakas ng katawan at diskarteng ‘di matatawaran.

Pagkatapos ng mahaba-habang oras ng mala-rollercoaster na biyahe ay isang lawit dilang paglalakad papanhik. Kung mahina-hina ang tuhod o kaya ay hindi mag-iingat siguradong sa halip na sa itaas magtapos ang paglalakbay ay sa ibaba ka ng bangin dadamputin na nakikipag-talik sa alikabok.  Siguradong sayang ang biyaheng pinagbuwisan ng oras, lakas at libag.

Saturday, February 26, 2011

Pagmamahal ko sa ‘yo’y tulad

Putik! heto ngayon, umiral nanaman ang pagkatulala. Kaya naman sinamantala ko ito at nagtahi-tahi nanaman ng mga salita. mabuti na ito para kahit papaano ay may naisip pala. 

Madalas ngang ganito kasi siguro mahalagang may pakiramdam pa rin naman ako kesa naman kausapin ko ang sarili. parang may topak lang sa gedli. hehehe.

Pwedeng 'di ka man mahalin pero 'di ka papipigil sa panggigigil.  Sige na nga...


Pagmamahal ko sa ‘yo’y tulad

Ng pagdating ng umaga
Paglisan ng takipsilim
Pamamasyal ng tag-araw
Pagdalaw ng tag-ulan

Kung paanong may isinisilang
At ang dulo ay kamatayan
Kung paanong may maganda
May pangit, may sala

Kung paanong di maiwasan
Na ang dagat ay umalon
Umihip ang hangin
Galit man o mahinahon

Na kung ang awit ay may simula
At may wakas ang mga tula
may kasunod dahil may nauuna
may ako at ikaw sinta

Dahil hindi mo mapipigilan
Mahalin ka’t kagiliwan
Ng damdaming dinatnan
Ngunit ‘di na lumisan

Friday, February 25, 2011

Musta?


ang kulit!
Nasa limelight nanaman ang yellow. O dapat sabihing nawala nga ba sila? Siyempre 25 years na ang sikat na Edsa people power (?) kaya all eyes sa kanila (parang DJ sa isang site, “All eyes! All eyes!” panawagan nito sa mga nanunuod. Hehhe). Ang ganda pa ng timing, presidente si Pnoy, continuing the legacy of the Aquinos.  Legasiya ng isang pagbabagong ipinangako.

Madalas sa pagbiyahe ko papasok sa opisina, libangan ko na ang pagmasdan ang mga mukha ng mga taong aking nasasalubong o nakakasabay. Bukod sa mga kinakaasaran kong mabagal maglakad lalo na kung ako’y late na at nagmamadali. Nililibang ko ang sarili sa panghuhula sa kanilang mga iniisip.

Tuesday, February 8, 2011

Seryoso?!

Masarap sa probinsiya.  ‘Yan ang naglalaro sa kukote ko habang nananakit ang puwetan sa isang mahabang biyahe pauwi sa Quezon City.  Galing kasi ako sa Nueva Vizcaya.  Isang opisyal na lakad ng opis.

Walong (8) oras ka ba namang umaandar.  May ilang stop-overs pero masakit pa rin ang matagalang pagkakaupo.  Patunay na nakakapagod din atang nakaupo lang. Galaw-galaw baka ma-stroke!

Muntik nang tabunan ng kaseryosohan ng lakad ang kagandahan ng probinsiya.  Paano pa kaya ang mga residente sa ilang erya rito sa NV na palaging nanganganib ang karapatan? Akalain mo ngang wala lang pero meron meron meron!  May nakaambang panganib ng pagmimina!

Saturday, February 5, 2011

Nang lumisan ka…

Photo by Jonal Javier
Nang lumisan ka, ‘di ako nagalit
Ngunit ang mundo ay nagwala
Sinisi kita dahil hindi ko mapilit
Na manatili ka sa ‘kin sinta

Nang lumisan ka, ‘di ako nakalimot
Ngunit ang puso ko’y naaba
Sa iyo ibinintang ang mga pagluha
Dahil ang mawala ka’y ‘di kaya

Nang lumisan ka, ikaw ay nanatili
Ngunit hindi ang aking sarili
Dahil nadiskubre kong bagamat wala ka na
Patuloy kang mahalin ay hindi mali 

Nang lumisan ka, kahit na
Wala ka man sa harap ko sinta
Ang lisanin ka, kalian man
Ay ‘di ko kaya, hindi magagawa…

Dahil ang lumisan ay ikaw…
Hindi ang aking pagsinta.

Saturday, January 29, 2011

http://pamataynabanat.blogspot.com/

What's worse than finding a cockroach in your pandesal while eating?
......
Pag nakita mo na KALAHATI na lang ang cockroach!!

Sampol pa lang iyan ng kinatutuwaan kong site ng mga jokes! etc. makikita ito sa http://pamataynabanat.blogspot.com/  http://pamataynabanat.blogspot.com/

My nose bleed in Bangkok

Photos by Ms Corina of  SEACA. Hayun ako parang tulog pero gising ako niyan. hehehe










Hehehe! Nitong Enero 24 2011 lumipad ako patungong Bangkok, siyempre sumakay ako ng eroplano. Was sent there by the upis for a series of nose bleeding meetings with co-HR adbokeyts abawt ASEAN engeyjment.

I isteyd der for 5 deys. Siyempre seryoso kasi sayang naman ang pinamasahe at akomodeysiyon na ginastusan ng isponsor ng meetings kung hindi ko siseryosohin. Ayun tuloy… sumama ang utak ko sa pagtulo ng dugo sa ilong ko sa sobrang pagpapanggap na serious ako. Hehehe.



Makinig makinig sa usapan… manginginig manginig sa lamig ng erkon.  Pero maganda ng tinuluyan naming otel.  At masarap naman ang fud.  Ayos!!!

At sa pagitan ng mga pagtatalastasan ng matutokis na NGO wurkers na galling pa sa iba’t ibang bansa sa ASEAN naisip ko ang tulang ito…


Sunday, January 23, 2011

Huwag mong buhayin ang bangkay!

Photo source: http://sloone.wordpress.com

Nagmumulto ngayon ang muling pagbabalik ng “Death Penalty” o parusang kamatayan. Muling binubuhay ang pinatay ilang taon na ang nakakaraan.

Nagsimula ang lahat nang dumagsa ang karumaldumal na balita ng mga kaso ng pag-carnap at pagpatay at pagsunog sa katawan ng ilang mga negosyante (car dealers) nitong mga nakaraang mga araw. Nagkataon pa o sinasadya nga ata na nagmula pa sa mga kilalang personalidad ang nabiktima.

Nabiktima ang anak ni Atty. Lozano, driver nito at isa pang car dealer. Sumunod naman ay kamag-anak ni Manuel Roxas ang na-agawan ng sasakyan at ilang araw pa ay si Carl balita naman ang nanakawan ng Van.

Kaya naman itong si Vice President Binay ay natulak na magdeklara ng kanyang pagsuporta sa mungkahi ng ilan na ibalik ang parusang kamatayan. Agad namang nagmagaling din si Senator Revilla sa pagpapanukala na ibalik nga ito. Gayundin si Senator Enrile.

Epal din agad ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Na mauunawaan mo naman sa kanilang tindig dahil sa kanilang adbokasiya. Pero hindi ba nakakapagtaka na pag ang papatayin ay kriminal, ang akto ng pagpatay ay nagiging hindi krimen sa kanilang lohika.

Saturday, January 15, 2011

Relax lang

Ang akala ko ‘di ka kailan man na makikita
Hindi man hinanap ay dumating ka na parang hininga
Hindi ko man pinapansin ay laging nadarama
Hindi ko man aminin ‘di ka na kayang mawala
Dahil nang makita ka ako’y nagkabuhay bigla…

Madalas nagsisimula ang mga paggising ko sa umaga sa pagmumuni-muni. Siyempre bukod sa paninigas ng manoy ko, unang pag-ihi at pagpapakulo ng tubig para sa aking pagkakape at minsan pag-pupush-up.

Kasabay nga ng mga kung anu-ano ang pagtatanggal ng muta at kung minsan nga ay mas nauuna pa ang pagtulala. Madalas daig ko pa ang nakadroga na natutulala at natatangay ng mga kung anu-anong isipin. Parang nag-titrip.

Hanggang minsan nga datnan ako ng pangungulit ng pagtatanong na nanggaling ata sa kapeng aking ninanamnam ng araw na ito.

Friday, January 14, 2011

Isa kang nakaka-adik -- pagsinta

ang larawang ito ay hiniram sa may-ari nang di niya alam.

Daig ko pa ang nakadroga

Kapag nasa harap na kita (sa FB hehehe)

Di mo lang alam ngunit adik na atang talaga

Pagkat di mapakali sadyang natataranta

Kapag nagsimula na tayo sa paghunta (asa pa).


Ang mahalin ka ay pigil-pigil

Ngunit sadya lalo sa pangigigil

Umiwas man ay heto na nga

Di mo lang alam naadik na sa’yo ang mga tula…


(di mo lang alalam para sa iyo ito...hehehe)

Saturday, January 8, 2011

Kulayan mo ang buhay ko (Revised)

larawan: ni Rommel Yamzom, HR Day candle Lighting 2010 (hiniram ng walang paalam)

Kulayan mo ang buhay ko
Itim kung ibig mo
At isang awiting mula sa puso
Sana’y ihandog sa puntod ko

lagi kong mamarapating
dasal mo sa aki'y makarating
nang sa aking paglalakabay
ang mga mithiin mo'y laging kasabay

saan man makarating
sa kung saan man ako nanggagaling
lalaging ikaw ang dahilan
lalaging ikaw ang halinghing

magmumulto akong sa'yo'y umiibig
magmamaktol akong sa 'yo'y mananalig
sinusumpa kong magiging ligalig
ang pagsinta kong laging mananaig

at ang kapayapaan ay makakamtan lamang
kung magkukusa kang ang buhay ay kulayan
ang tanging hiling, nais na kahulugan
nawa'y iyong pansinin itong walang pakundangan.

na mahal kita
maging ako'y panawan...

Lihim na tingin (revised)

Larawan: Tarsier sa Bohol, hiniram nang walang paalam kay Rommel Yamzon

Lihim na tingin sa iyo’y ibinigay
Sana’y iyong damhin itong aking buhay
Kahit ‘di maaring ako’y ‘yong mahalin
Ay patuloy pa rin kitang iibigin

‘Di mo nga batid laman ng puso ko
Tibok nitong dib-dib ay ang pangalan mo
Sa bawat sandali ikaw ang aking buhay
At patuloy pa ring sa ‘yo’y maghihintay.

Kung sakali mang iyong mababatid
at tanggapin itong pag-ibig na hatid
sapat nang ang lahat-lahat ay mapatid
maging ang buhay kong matagal nang namamanhid.

Monday, January 3, 2011

Ang bagal mong maglakad! Bwiset!


Sa mga katulad kong walang sariling sasakyan (in short nangangarap lang at hindi na yata makakabili), ang paglalakad patungo sa mga sakayan ng mga pampasaherong jeep ay pasok sa araw-araw kong rutin. At sa araw-araw na redundant na pangayayari ay makakasabay ka ng mga kapwa mo rin naglalakad sa mahabang maikling paglalakbay sa buhay (contradicting)…

Nadadalas ang pagsabay sa akin ng mga kamag-anak ng mga namamasyal sa buwan. Yun bang mga mababagal magsipaglakad at wala atang pakialam kung may tao silang kasunod.

Nakakasabay ko din ang isa pa nilang kalahi. ‘Yun bang mga magsiyota na ginagawang luneta ang kalyeng dinadaanan ng mga nagmamadali. At parang aagawin ang kanilang mga syota sa sobrang higpit ng pagkakahawak. (o baka lang maligaw… ikaw naman)

Ang isa pang related din sa kanila ay etong mga sinasabayan ang paglalakad ng pagsinga at pagdura. Na kung gawin ito ay parang tanggap sila ng lipunan at hari sila ng kabababuyan.

Nandiyan din ang mga kung makasigaw ay tatalunin pa ang mga barker. Papansin.

Madami pa sila… Mga bwiset at humaharang harang sa daraanan ng mga nagmamadali.

Hindi kaya kamag-anak din nila (ako)tayo?

Wala lang…

Sunday, January 2, 2011

Ang pagbabalik…

Sa mundo ng pagsusulat, ang isang walang malay na katulad ko ay muling magbabalik. Sa kabila nang wala namang may paki o kaya ay interes… heto at muli kong tatangkaing isiwalat ang aking mga saloobin. Aksidente na lang kung may makahagip at mag-aakalang may mapapala sa pagbabasa nito.

Sayang naman ang espasyong libre para sa mga katulad ko.

Salubungin natin ang 2011 sa isang masiglang pagpapatianod sa mga isipin… at patuloy na pagtitimpla ng mga sitsirya…

Ang pagbabalik ng tulala.

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...