Sunday, April 10, 2011

Kung paano ko naisahan ang kababalaghan

Isa akong frustrated writer ng fiction at horror.  Kaya naman share ko lang ang isang maikling kwento ng kababalaghang matagal nang nasa kukote ko, ang "Kung paano ko naisahan ang kababalaghan"
--------------------

Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo.  Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?
















Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit



Part 1: Faster dan da spid of layf

Palaging mabilis ang pangyayari sa buhay ni Juan. Matagal na niyang iniisip na talikuran ang mga kapangyarihang nakuha mula kay Lucy. Ngunit paano?

Habang nasa ganito siyang pag-iisip, nabigla ang driver ng taxing kanyang arkilado sa babaeng tumawid at nahagip ng kotseng kasabay nilang bumabaybay sa kung tawagin ay deadly hi-way.

“Patay!” ang nasambit ng driver ng taxi habang diin ang preno ng sasakyan.  Gayundin ay kitang-kita nito na tumigil ang nakasagasang oto na agad ding kumaripas papalayo sa biktima.

“Hoy!” sigaw ng driver sa tumatalilis na sasakyan habang papalabas upang saklolohan ang biktima.  Nagulat ang driver sa nakita.  Ang nakahandusay na sigurado siya kanina ay babae, ngayon ay isang lalaki pala.  Namukhaan pa niya ang walang malay na biktima.  Sigurado siyang ito ang kanyang pasahero.

Inilipat niya ang tingin sa taxing ipinarada sa ‘di kalayuan.  Minukhaan ang sakay.  “panong nangyaring ang pasahero ko at ang nasagasaan ay nagkapalit?” manghang manghang tanong niya nang makitang ang babaeng nasagasaan kanina lang ay siyang nakaupo sa passenger’s seat ng kanyang taxi.

Ang babae ay nakatingin lang din sa kanyang kinalalagyan at mangha din sa pangyayari.
Lumapit dito ang driver dala ang pagtatanong sa mukha.

“Hindi ko din alam manong! Pero kelangan nating tulungan ang lalaking yon. Itakbo na natin siya sa ospital!” ayon pa sa babae.

Ilang saglit pa ay pinapasok na si Juan sa emergency, sakay ng stretcher na tulak ng mga nurses.

Mabilis namang nabigyang lunas ang mga sugat na natamo ni Juan sa pagkakabundol.  Habang nanatili at naghihintay sa waiting area ng ospital ang dalawa.

Sinimulang putulin ng babae ang patlang sa pagitan nila ng taxi driver. “Magpapasalamat ako sa kanya.”
“Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa nangyari.” Wika ng driver.

“ako rin.” Ang babae. “pero ang mahalaga sinagip niya ako.”

“Paanong nangyaring ikaw ang nasagasaan kanina, tapos ay nagkapalit kayo?” habang tila hanap ang sagot sa kisame.

Isang kababalaghan ngang maituturing.  Wala sa hinagap, hindi kayang ipaliwanag ninuman.  Believe it or not.(hahaha)

Itutuloy.

The Metamorphosis

No comments:

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...