Tuesday, March 29, 2011

Paano?



Eto ang ilan sa mga panahong hindi ko mapigilang sumenti. makiisa po tayo at ipanalangin natin sila Sally, Ramon, Elizabeth at lahat ng OFW na lalaging nasa bingit ng panganib ang buhay...

--------------------




















Paano 
maihahatid 
ang pabulong na sigaw
Ang panalangin 
ng ama,
ina at kapatid
Usal ng anak, 
asawang humihikbi
Paanong sa ‘yo ay sasagip?

Paano 
maipababatid 
ang palahaw ng uhaw
Pinahabang lubid ng buhay 
pinaikli ng gutom
sa panganib nabulid
Paano 
ang kinabukasang 
biglang nabalahaw
Paano nga kaya masasagip?

Paanong 
pipigilin 
ang buhay mo’y kitlin
Paanong 
ang bangis 
kayaning amuin
Paanong sa dalangin 
anak ay ibilin?

Paano kaya sila makikinig?
Na maraming buhay ang mangingilid
Sa luha mong bukas ay bibitin...



------------------------------

Prayers That Bring ChangeA Restorative Justice Reader

No comments:

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...