Photos by Ms Corina of SEACA. Hayun ako parang tulog pero gising ako niyan. hehehe |
Hehehe! Nitong Enero 24 2011 lumipad ako patungong Bangkok, siyempre sumakay ako ng eroplano. Was sent there by the upis for a series of nose bleeding meetings with co-HR adbokeyts abawt ASEAN engeyjment.
I isteyd der for 5 deys. Siyempre seryoso kasi sayang naman ang pinamasahe at akomodeysiyon na ginastusan ng isponsor ng meetings kung hindi ko siseryosohin. Ayun tuloy… sumama ang utak ko sa pagtulo ng dugo sa ilong ko sa sobrang pagpapanggap na serious ako. Hehehe.
Makinig makinig sa usapan… manginginig manginig sa lamig ng erkon. Pero maganda ng tinuluyan naming otel. At masarap naman ang fud. Ayos!!!
At sa pagitan ng mga pagtatalastasan ng matutokis na NGO wurkers na galling pa sa iba’t ibang bansa sa ASEAN naisip ko ang tulang ito…
Photo source: http://learnthailand.com
Paglalakbay
Dumayo ang puso ko
Sa pagmamahal mo
Naglakbay ang damdamin
Sa iyo tumungo
Lumipad sa alapaap
Dumapo sa ‘yong mga puno
Lumangoy sa karagatan
Ng aking pag-suyo
Binaybay ang mga landas
Nang walang patutunguhan
Sinalubong ang alikabok
Ng kawalan
Nang biglang natigalgal
Itong katinuan
Wala palang kasabay
Ang puso kong ikaw ang pakay
Gayunpaman
Sa kabila man mapadpad
Ay babalik parin
Sa yo ang pagmamahal
Maglakbay man sa iba
Ang baon ko
ay ang pagmamahal
sa ‘yo sinta.
No comments:
Post a Comment