Wednesday, March 23, 2011

Log-out


Eto lang ang ilan sa malungkot kong larawan. Puro kasi nakatawa ang iba.
Alas Dos Kwarentay Singko (2:45 am), madaling araw na mula sa isang inuman… Hindi pa lasing at mukhang bitin… hehehe kaya siguro hindi agad dinanalaw ng putik na antok. Pasok pa naman bukas…

Naisip ko buksan ang FB.  Nadatnan kong gising pa ang iba sa mga ka-FB ko. 

Habang patuloy ako sa pagmamasid sa mga updates at page ng mga friends ko, tinawag ako sa chat, “egay…. Paramdam ka naman!” ayon sa nag-pop-up na chat box.

Mabilis na nagbalik ang nakaraan… mahalagang bahagi ng aking buhay… hindi ko pinagsisihan…

Tapos pumasok ang isang pamilyar na larawan sa chat… nakipagkulitan sa iba pang mga ka-FB… Simple kong pinuntahan ang page mo. Hindi pala tayo friends sa FB… a ok… ‘di tuloy kita ma-access.

Nagmatyag ako at nakibasa sa mga kulitan niyo.  Nang napuna mo ang aking pics na naggpapahiwatig sa chat box na ako ay on-line.  Sabi mo pa, “Si egay ba ‘yan?” tanong mo sa isang ka-chat.  ‘di ako kumibo, ‘di nakisali.

Kinumpirma naman ng ka-chat natin na ako nga ang tinutukoy mong maliit na pic na icon sa chat.
Kinilig ako… hahahaha.  Napansin mo pa rin ako… hahaha.

Tapos nag-chat tayo. Nagkamustahan. Kaunting kulitan… sabi ko sa sarili ‘di ka parin nagbago… makulit ka parin…

Sabi ko pa na i-accept mo na ang request ko na maging FB mo.  Ok. Friends na tayo…

Binisita ko ulit ang page mo. Ayos! Nakikita ko na ang mga photos mo.  

Doon agad kong napuna ang mga anak mo, tapos ang status mo… married to____.

Kayo pa rin pala. Okey. Naputol ang excitement ko… hahahaha.

Nalala ko pa ang maikling panahon na naging tayo... ayaw mo sa mga tula ko noon... parang hindi masaya.

Putik! Natulog na lang ako.

Walang tulang naisulat… Antok na. Log out...

No comments:

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...