Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo. Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?
Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit
Part 2: Man of stir
Isang malakas na tinig ng babaeng tumatawa ang nagbalik sa ulirat ni Juan. Nakakubli ito dilim na nakapalibot kay Juan.
“Ikaw nanaman!” mahina ngunit mariin na nasabi ni Juan. Kilala niya ang nagmamay-ari ng malanding tawa.
“Gago ka palang talaga! Hindi ka nga maaring mamatay. Kaya kahit ilang beses ka pang magpasagasa mabubuhay ka pa rin! Hahaha!”
“Bakit sino ba nagsabi sa ‘yong nagpapakamatay ako?” Mahinahon na tugon ng nakangising si Juan.
Natigilan si Lucy. Mula sa dilim ay lumantad papalapit kay Juan. Nakahubad, nakakasilaw ang kagandahan at kaseksihan ng babae.
Hindi nga kayang bumasa ni Lucy ng isip ng tao. Ito ang kahinaan ng kanyang kapangyarihan. Maari niyang impluwensiyahan ang desisyon o aksiyon ng isang tao, ngunit hindi niya ito maaring makontrol at mabasa.
Tinitigan niya ang nakayukong si Juan. Hinawakan ito sa baba at inangat ang ulo upang mapaglapit ang kanilang mga mukha. Alam niya ang kahinaan ng lalaki. Sa pamamaraang ito niya mapagsasalita si Juan sa kung ano ang binabalak nito.
Nakakahumaling talaga nakahubad na babaeng ito, ‘yan ang nasa isip ni Juan. Dito nga siya nito nadaya. Nakumbinse siyang tanggapin ang kapangyarihang maging immortal. Kapalit ng mga kababalaghang kaya niyang idulot sa sangkatauhan.
1983 noon. 28 years na ang nakakaraan. Kasagsagan ng mga protesta sa kalsada, bagsak ang popularidad ng mga makakababalaghang istorya. Sikat na sikat ang mga higanteng robot na imbento ng malilikot ang isip sa Japan na iningles at tinagalog. Habang nilalangaw ang mga istorya ni Juan sa komiks na maghihingalo na rin sa pagdating ng panahon.
Ang mga kinikilalang manunulat noong panahong iyon ay sina Lualhati Bautista, Liwayway Arceo at iba pang naglalabas ng mga nobela hinggil sa societal realities.
Sa mga pelikula ay sumikat ang Taga sa panahon, Mga Pambato, The Expendables, Spyder, samantalang sa kababalaghan ay ipinalabas ang “Gabi ng Lagim.”
Habang sadlak sa kawalang ningning si Juan. Kinausap siya ng kanyang publisher, ititigil na ang kanyang serye sa komiks. Pinagpapaalam na siya sa pagsusulat.
Hindi ito matanggap ni Juan kaya nahumaling siya noon sa pag-inom at droga. Hindi naman niya magawang sumulat ng kwentong pag-ibig ang tema. Hindi naman niya tipo ang mga societal drama at conflict.
Sa sama ng loob niya sa publisher ay pinagplanuhan pa niyang sunugin ang imprenta upang makaganti sa pagtapon sa kanya nang parang basura.
Hindi rin naging maganda ang relasyon niya sa kanyang kasintahan. Palagi nilang pinag-aawayan ang pag-inom at pagdudurog. Nakipaghiwalay pa ito sa kanya sa panahon ng lugmok siya sa pagmumokmok.
Ang pakiramdam ni Juan ay wala siyang karamay. Dito niya nakilala si Lucy.
Naglalasing siya noon sa isang night club sa may Cubao nang lumabas sa entablado ang isang napakagandang babae. Parang tumigil ang oras sa paggalaw. Parang silang dalawa lang ang naiwanang gumagana nang mga oras na yon.
Siya pako sa kinauupuan. Habang si Lucy ay patuloy sa mala-ahas na pang-aakit sa pagsayaw ang hubad na katawan sa entablado sa saliw ng awitin ni Boy George na hindi na niya namalayan kung ano. Basta ang mga mata ay tutok sa kariktang umiindayog sa kanyang harapan.
Lumapit ang hubad na si Lucy sa table ni Juan. Dito ay isang halik ang iginawad ng babae sa nabato-balaning si Juan. Hindi na niya namalayang nagsasalimbayan na sa isa’t-isa ang kanilang mga dila. Gumapang ang kamay ni Lucy sa hita ni Juan. Hinagilap ang alam niyang kanina pang nakakubling galit na pagkalalaki ng ating bida.
Agad namang gumanti ang mga kamay ni Juan. “Alangan namang ikaw lang.” bulong nito na sinagot naman ng mahinhing hagikgik ni Lucy.
Dala ata ng kalasingan namulagat na lamang si Juan na nasa loob na siya ng kanyang silid. Hubo’t hubad at katabi ang hubo’t hubad paring babae.
Bagamat masakit ang ulo ay bale wala ito kay Juan dahil ang nangibabaw sa kanya ay ang kayabangang nararamdaman sa sarili. Biro mo nga namang ang babaeng pinakamaganda sa club na iyon ay napasakanya.
Tinitigan niya ang maamong mukhang anghel na nasa tabi. “kahit papaano ay may magandang nangyari sa king bwisit na buhay,” naibulong niya, “kahit papaano ay may katulad mo na swerte ang dala sa kin.”
“Swerte mo talaga.” Ang sabi ng gising na rin palang babae. “Lucy. Lucy ang pangalan ng swerteng dumating sa iyo Juan.” Inabot nito ang kanyang mukha at siniil siya ng halik.
Nangingisi lamang si Juan. Nasa alapaan ang pakiramdam niya, ang hindi lan niya masiguro ay kung sa hang-ober o sa kagandahang nasa tabi ngayon.
Ilang saglit pa ay may nangyaring muli sa kanila.
Nasa kasagsagan sila ng pagtatalik nang may sabihin si Lucy. “May ibibigay ako sa iyo,” na napuputol pa sa paghingal ang pagsasalita.
Naisip ni Juan, ano pa ba ang maibibigay ng babaeng ito na halos ay naibigay na ang lahat sa tantiya niya.
Ikinagulat niya nang biglang itulak siya nito at pumaibabaw sa kanya. “Sisikat ka. Pasisikatin kita Juan.” Hingal pa nitong pagpapatuloy na nasasalitan ng impit na pag-ingit.
Mababaliw na si Juan sa ginagawa ng babae nang tumigil ito sa paggalaw. Idinilat ni juan ang mga mata at nagulat siya sa biglang pagsulpot ng isang bagay na tila metal na parihaba sa kamay ni Lucy.
“Ano ‘yan?” hindi kilala ni Juan ang bagay na ipinakita ni Lucy.
Lucy :“Eto ang magpapasikat sa ‘yo.”
Juan :“Ha?”
Lucy:”isa itong laptop. Hindi pa ito naiimbento ngayon. Pero isa ito sa magiging kailangan ng mga manunulat na katulad mo sa pagdating ng panahon.”
Ipinakita ni Lucy kung paano gamitin ang laptop. Sa tingin ni Juan ay isa lamang itong makabagong typewriter.
Lucy: “sisikat ka, makakamit ang maraming pera. Makukuha ang lahat ng iyong gusto, bahay, kotse, negosyo atbp. Ang lahat ng iyan ay mapapasa’yo.”
Natawa lamang si Juan sa sinasabi ni Lucy. Nang muli itong nabigla sa pag-ulos ni Lucy. Napapikit nanaman si Juan sa sarap ng nararamdaman sa ginagawa ng babae.
“Ang lahat ng maiisip mong kababalaghan ay rerehistro sa makinang ito.” Habol ang hiningang paliwanang ni Lucy.
“tapos?” hingal din ni Juan.
“ magiging mabenta ang mga kwento.”
“hindi nga…anong kapalit?” si Juan.
“hindi ka mamamatay. Bibigyan kita ng immortal na kapangyarihan.”
“Tapos, anong kapalit?”
“Hindi pa yun. Ang lahat ng iyong kwentong iisipin ay magiging makatotohanan.”
“Tapos?” tumitirik na ang mata ni Juan.
“Pero kailangang kababalaghan ang isipin mo. Sa bawat kakababalaghang tatakot sa mga tao. Sisikat ka at lalong yayaman.”
“Oo payag ako…” pagsang-ayon ni Juan na sinundan ng sariling pag-ungol.
“Sa bawat kababalaghang iisipin mo pa lang ay rerehisro na sa laptop na ito. Ang bawat kwento ay magkakatotoo. Hahahaha!”
Natigilan si Juan sa inasal ni Lucy. Naputol ang sarap na nararamdaman na kanina lang ay papunta na sa rurok.
Naisip niya na tila ay demonyo ang babaeng kumukubabaw sa kanya ngayon.
Tumunog ang Laptop na nakalapag lamang sa kanilang gilid. Napatingin si Juan dito. Kitang –kita niya nang mag-isang bumuka ang animoy telebisyon na monitor nito. Isa-isang titik ang rumihistro mula sa animoy imbisibol na mga daliring tumitipa sa keyboard.
“Demonyo.” Ang nabasa niyang nakasulat dito.
Nang muli niyang tingnan si Lucy… nagpalit ito ng anyo. Naging isang demonyo ang babaeng kanina lamang ay nakakasilaw ang ganda. Napalitan ng demonyo ang nakaibabaw sa kanya.
Habang humahalakhak ito ay siya namang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Juan…
Itutuloy...
1 comment:
Turn your blog into money with our greatest blog tips and techniques in making money online for free. you can exchange link with me just open www.quickdollarcash.blogspot.com
Mabuhay!
Post a Comment