Saturday, March 19, 2011

Imbisibol

Akala ko kapag nalaman mo
Yari ako
Mali at ‘di tama ang mahalin ko
Ang tulad mo
Kaya mas ginusto ng puso ko
Maikubli sa ‘yo
Ang pag-ibig kong
Sadya at totoo

Ngunit laking tuwa nang
Malaman ko
Na ayos lang naman
Pala sa ‘yo
Mahalin ka’y hindi
Palaging wasto
Ngunit ang mahalaga
Maaring mahalin mo rin ako…

Bagamat ‘di pala imbisibol ang
Pagtangi ko sa ‘yo…
masaya na malamang
alam na alam mo.

Nang naghulog ang diyos ng super powers sa sangkatauhan, anak ng putik… isa ako sa mga gising at nakasalo ng kapangyarihang maging imbisibol.  Sigurado ako, na hindi lang ako nag-iisa, madami kami… imbisibol nga lang kaya nga hindi natin sila nakikita. Hehehe. Malay mo isa ka na pala sa ‘min ‘di mo lang alam.

Habang ang katapat ng mga imbisibol ay yaong may kakayahang makakita ng malaliman o yung tagustagusan, malalakas ang 5 senses, kaya nahuhuli ang mga imbisibol na katulad ko.


Maraming tipo o uri ang imbisibol powers. Ika nga may iba’t-ibang range, intensity at magnitude parang lindol, bagyo at tsunami lang.   1. Nandiyan yung mga hindi totally nakikita o tawag ng iba ay irrelevant. 2. Mayroon namang kabaligtaran. Yung mga relevant kasi hindi nakikita o tawag nila ay mga disappeared. 3. Nandiyan din yung mga nakikita naman sila pero kaya nilang gawing imbisibol ang alin man sa gusto nilang hindi mo Makita, tulad ng mga spy, magnanakaw, sinungaling, pulitiko at iba pa… at relevant sila (hehehe). 4. Mayroon ding mga akala nila ay imbisibol sila. Hindi naman pala.

Iba’t-iba din ang level nito. Mayroong parang third eye na consciously ay narere-aactivate o di kaya ay nadede-activate, at the right time at the right place.  Yung iba naman kahit ayaw mo o ‘di ka conscious wala kang magagawa dahil ‘di mo alam na may imbisibol powers ka, imbisibol ka tuloy kala mo hindi. Hehehe.

Siyempre yung iba nga ay mahusay sa pagiging imbisibol. Parang networks… organisado, koordinado ang pagiging imbisibol.  At nagsasama-sama sila para maging imbisibol.  Yung iba nga, kaya nilang iparamdam ang kanilang existence, alam ng lahat na nandiyan sila pero imbisibol to the naked eye.  Yung iba naman nakikita ng lahat, pero nagkaisa tayo na kailangang imbisibol sila o panggap tayong ‘di natin sila nakikita (bulagbulagan ba…).
Halimbawa ng mga organisadong imbisibol ay may opisyal na HQ pa.  At kahit saan ka magpunta nanduon sila. Sila ang pinaka-skilled na imbisibols sa mundo. May kakayahang kontrolin ang economics, cultural, religion, politics etc. at kahit personal na buhay mo pa. laman ng news, ng mga tsismisan at kung anu-ano pa.

1.    Sino ang mga imbisibols na kailangang maging super-bisibols para makagawa ng mga imbisibol na bagay? Ang gulo ba? Kaya they do it in an organized way. Para successful!

2.    Sino naman yaong mga walang pakialam. So they are also bisibols pero dahil sa kagustuhang maging imbisibol ay nagging bisibol tuloy sila. (Ang gulo nanaman) sige sila yung mga walang pakialam. (get?)
3.    Sino naman yung mga nagpaka-bisibol kaya inimbisibol, sa ayaw at sa gusto nila? Enforced imbisibolments… (lalong gumulo) hehehe

Masyadong malawakan at may relatively-kahirapang arukin ang mga imbisibols na ito  (nagpuputik lang ang utak). Kaya subukan nating i-touch ang madadali at simple lang na mga imbisibols. Yaong bang hindi ganito kaseryoso at hindi nakakapagputik ng utak.

Sila yaong mga kayang maging imbisibols sa pag-ibig. Hehehe.

Wala lang… wala lang masabi.

Madalas ko kasi siyang nakikita pero ako hindi niya ako nakikita.  Nuong una, aksidente ko lang siyang nadaanan, pero nitong huli sinasadya ko nang dumaan palagi sa kung saan siya narorooon.

Nang napansin ko, aba… mukhang mahina ang imbisibol powers niya. Paano ba naman pansinin siya. Hehehe.  Kaya ako naman nag-activate ng imbisibol powers ko para ‘di niya mapansin ang aking pagmamatyag… parang horror.

Ilang araw pang ganyan (noon)… nagkakasya lang ako sa pagtanaw sa kanya sa ‘di kalayuan.
Sa tindi ng aking imbisibol powers, nagkakilala na kami pero wala pa rin siyang malay sa imbisibol kong presensiya. Hehehe.

Hindi niya alam. Yun ang akala ko.

Pero dahil sa tantiya ko, isa rin siya sa may powers para makakita lagpasan o tagus-tagusan, hinala ko huli na niya ako. May alam na siya sa imbisibol powers ko pero ‘di lang niya pinapahalata.

Masaya ako, kasi higit sa lahat mas masarap kung malaman ng mahal mo na mahal mo siya. Mas masarap na hindi ka imbisibol sa taong gusto mong makita ka niya. Hehehe
 

1 comment:

法律-筆記 said...
This comment has been removed by the author.

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...