Akala ko kapag nalaman mo
Yari ako
Mali at ‘di tama ang mahalin ko
Ang tulad mo
Kaya mas ginusto ng puso ko
Maikubli sa ‘yo
Ang pag-ibig kong
Sadya at totoo
Ngunit laking tuwa nang
Malaman ko
Na ayos lang naman
Pala sa ‘yo
Mahalin ka’y hindi
Palaging wasto
Ngunit ang mahalaga
Maaring mahalin mo rin ako…
Bagamat ‘di pala imbisibol ang
Pagtangi ko sa ‘yo…
masaya na malamang
alam na alam mo.
Nang naghulog ang diyos ng super powers sa sangkatauhan, anak ng putik… isa ako sa mga gising at nakasalo ng kapangyarihang maging imbisibol. Sigurado ako, na hindi lang ako nag-iisa, madami kami… imbisibol nga lang kaya nga hindi natin sila nakikita. Hehehe. Malay mo isa ka na pala sa ‘min ‘di mo lang alam.
Habang ang katapat ng mga imbisibol ay yaong may kakayahang makakita ng malaliman o yung tagustagusan, malalakas ang 5 senses, kaya nahuhuli ang mga imbisibol na katulad ko.
