Tuesday, March 29, 2011

Paano?



Eto ang ilan sa mga panahong hindi ko mapigilang sumenti. makiisa po tayo at ipanalangin natin sila Sally, Ramon, Elizabeth at lahat ng OFW na lalaging nasa bingit ng panganib ang buhay...

Sunday, March 27, 2011

Patalastas: HRonlinePH palitan ng blog para sa karapatang pantao

Makiisa, makialam, makibahagi!  
Sa HR balitaan, blogging, palitan ng kuro-kuro atbp. sa on-line.
 
Tara na sa HRonlinePH! I-Like mo na!
HRonlinePH.wordpress.com
Human Rights Online Philippines…Promotion and Protection of Human Rights in the Philippines through Information Resources Online

Saturday, March 26, 2011

Sa pagtanda ng panahon

Nagkita-kita kami nitong biyernes.  Matapos ang lagpas isang dekadang hindi pagkikita heto kami at nagpapakalunod sa kasiyahan. Inuman, kainan, kwetuhan, tawanan, piktyur-piktyur (pang FB) at umaatikabong baliktanaw sa kaputik-putikang pinaggagagawa nuong panahong iyon. Ganito naman lahat ng reunion.

Tama, Dekda 90.  Noong kami ay mga aktibista pa. Parang nagrewind lahat sa kwentuhan...

Wednesday, March 23, 2011

Log-out


Eto lang ang ilan sa malungkot kong larawan. Puro kasi nakatawa ang iba.
Alas Dos Kwarentay Singko (2:45 am), madaling araw na mula sa isang inuman… Hindi pa lasing at mukhang bitin… hehehe kaya siguro hindi agad dinanalaw ng putik na antok. Pasok pa naman bukas…

Naisip ko buksan ang FB.  Nadatnan kong gising pa ang iba sa mga ka-FB ko. 

Habang patuloy ako sa pagmamasid sa mga updates at page ng mga friends ko, tinawag ako sa chat, “egay…. Paramdam ka naman!” ayon sa nag-pop-up na chat box.

Saturday, March 19, 2011

Imbisibol

Akala ko kapag nalaman mo
Yari ako
Mali at ‘di tama ang mahalin ko
Ang tulad mo
Kaya mas ginusto ng puso ko
Maikubli sa ‘yo
Ang pag-ibig kong
Sadya at totoo

Ngunit laking tuwa nang
Malaman ko
Na ayos lang naman
Pala sa ‘yo
Mahalin ka’y hindi
Palaging wasto
Ngunit ang mahalaga
Maaring mahalin mo rin ako…

Bagamat ‘di pala imbisibol ang
Pagtangi ko sa ‘yo…
masaya na malamang
alam na alam mo.

Nang naghulog ang diyos ng super powers sa sangkatauhan, anak ng putik… isa ako sa mga gising at nakasalo ng kapangyarihang maging imbisibol.  Sigurado ako, na hindi lang ako nag-iisa, madami kami… imbisibol nga lang kaya nga hindi natin sila nakikita. Hehehe. Malay mo isa ka na pala sa ‘min ‘di mo lang alam.

Habang ang katapat ng mga imbisibol ay yaong may kakayahang makakita ng malaliman o yung tagustagusan, malalakas ang 5 senses, kaya nahuhuli ang mga imbisibol na katulad ko.

Tuesday, March 15, 2011

Para kanino ka bumabangon? Kape, sigarilyo, lindol, tsunami at OFW

Kape, sigarilyo...

=============================================
Para kanino ka bumabangon?

Para sa anak. Para sa kaibagan. O sa ‘di mo kakilala. Para sa bata. O sa isip bata. Para sa marami. Para sa sarili.

Pag may Nescafe Classic na puro at tunay, sumasarap ang umaga. Para di ka lang basta gumigising, bumabangon ka ng may dahilan. Dahil pag tinulungan mong bumangon ang isang tao, parang buong bayan na rin ang bumabangon.

Bangon na sa Nescafe Classic.

==========================================

Biruin mo ‘yon… naisip ng gumagawa ng advertising company ng Nescafe ang konseptong ito.  Ano kaya ang vitamins na tini-take nila at ganito kalusog ang utak? Sa pag-inom kaya ng kape?

Elib talaga ako sa konseptong ito.  Na ang bawat isa sa atin ay kelangang may dahilan para bumangon… napa-wow ako talaga “ang gleng gleng!” reaksiyon ko habang pinanonood ang advertisement.

Karamihan nga sa mga kakilala ko ay nagsisimula ang umaga sa paghigop ng mainit na kape. Katulad ko, na hindi magiging kumpleto ang umaga kung walang kape at sigarilyong mas una pang inaasikaso kesa sa paghihilamos.

Monday, March 7, 2011

Malapit ka lang pero singlayo ka ng langit

Sariwa pa sa king panganorin ang inabot na pagpapahirap ng kalamnan nitong Feb 28 . Isang maaksiyong eksena sa topload ng van na aming inarkila. Ganito pala ang pakiramdam ng mga kargadang gulay o prutas.  Umaatikabong bugbugan at pakikipagtunggali sa matatarik, mabato at maputik na landas patungo sa aming paroroonan. Habang madaya at pasimpleng sinusunog pala ng araw ang aking balat nang ‘di ko namamalayan dahil ikinukubli ito ng malamig na klima.

Kinakailangan ng matindi-tinding kaalaman at galing sa pagda-drive sa ganitong uri ng daan.  Lakas ng katawan at diskarteng ‘di matatawaran.

Pagkatapos ng mahaba-habang oras ng mala-rollercoaster na biyahe ay isang lawit dilang paglalakad papanhik. Kung mahina-hina ang tuhod o kaya ay hindi mag-iingat siguradong sa halip na sa itaas magtapos ang paglalakbay ay sa ibaba ka ng bangin dadamputin na nakikipag-talik sa alikabok.  Siguradong sayang ang biyaheng pinagbuwisan ng oras, lakas at libag.

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...