Saturday, January 15, 2011

Relax lang

Ang akala ko ‘di ka kailan man na makikita
Hindi man hinanap ay dumating ka na parang hininga
Hindi ko man pinapansin ay laging nadarama
Hindi ko man aminin ‘di ka na kayang mawala
Dahil nang makita ka ako’y nagkabuhay bigla…

Madalas nagsisimula ang mga paggising ko sa umaga sa pagmumuni-muni. Siyempre bukod sa paninigas ng manoy ko, unang pag-ihi at pagpapakulo ng tubig para sa aking pagkakape at minsan pag-pupush-up.

Kasabay nga ng mga kung anu-ano ang pagtatanggal ng muta at kung minsan nga ay mas nauuna pa ang pagtulala. Madalas daig ko pa ang nakadroga na natutulala at natatangay ng mga kung anu-anong isipin. Parang nag-titrip.

Hanggang minsan nga datnan ako ng pangungulit ng pagtatanong na nanggaling ata sa kapeng aking ninanamnam ng araw na ito.



Bakit kailangan kong guluhin ang isip tungkol sa pagkakaroon ng karelasyon?
Kung tutuusin, kapag kinalkula mo ang ‘number of days in a year’ sigurado akong ni hindi lalagpas sa sampu kong mga daliri sa kamay ang bilang ng beses na pinakaabalahan ko ang bagay na ito para isipin.

Hindi nga ata ako katulad ng mga normal na tao o maging ng mga hayop. Na nakahilera ang ‘relasyon’ o kaya ay ‘sex’ sa batayang pangangailangan. Bagamat (may lamat), sang-ayon naman akong kailangan natin nito bilang tao o maging animal man. Ang hayop nga sa palagay ko ay hindi na ito pinag-iisipan pa. Basta na lang dumadating sa kanila ang pangangailangang magkaroon ng kapareha ay ‘yun na. Natural na lahat ang kumantot at magpakantot.

Nagbinata akong parang WALA lang ang salitang karelasyon. Hindi ‘necessity’ pero kung may dumating okey lang. Hindi ko kailangan pero kung nandiyan e di ayos lang.

Nagkakaron naman ako ng mga ‘crushes’ noon. Nadadala rin ng libido at nanliligaw din naman. Nagkaron din ng mga karelasyon. Nagmahal. Pero hindi naging ganuon kapursigido. ‘Relax’ lang ako pagdating sa pakikipagrelasyon – ‘Generally’ – o parang WALA LANG.

Gumawa din naman ako ng mga ‘love letters’. Kinilig din naman sa mga pagkabuking na may ‘crush’ ako sa mga paglalaro ng ‘truth or consequence’. Na-excite din naman ako kapag nalalaman kong mayroon ding may ‘crush’ sa akin. Nakakarelate din naman ako sa mga ‘love songs’ at ‘love stories’. Pero ‘RELAX LANG’.

Hindi ako naoobliga ng mga Disyembreng malalamig ang gabi. O kaya naman ay ng mga Pebrerong pang-labing-labing. Hindi din ako naiinggit sa mga lakad na wala akong kaparehang bit-bit. Walang syotang pangporma o kaya naman ay mapagpaparausan. Pwede naman sa tabi-tabi, o kaya ay magsarili, hehehe.

Hindi ko nga siniseryoso ang magkaroon ng relasyon. O kaya nama’y maghabol dahil baka mapag-iwanan. Hindi din naman ako nagpapadala sa peer pressure. Basta ‘relax’ lang.

Ang alam ko hindi nito ibig sabihin na hindi ako marunong umibig. Kaya nga ako nag-susulat ay ‘deep inside’ ika nga howples romantik din naman ako. (itutuloy… naks! Hehehe)


1 comment:

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...