Saturday, January 29, 2011

http://pamataynabanat.blogspot.com/

What's worse than finding a cockroach in your pandesal while eating?
......
Pag nakita mo na KALAHATI na lang ang cockroach!!

Sampol pa lang iyan ng kinatutuwaan kong site ng mga jokes! etc. makikita ito sa http://pamataynabanat.blogspot.com/  http://pamataynabanat.blogspot.com/

My nose bleed in Bangkok

Photos by Ms Corina of  SEACA. Hayun ako parang tulog pero gising ako niyan. hehehe










Hehehe! Nitong Enero 24 2011 lumipad ako patungong Bangkok, siyempre sumakay ako ng eroplano. Was sent there by the upis for a series of nose bleeding meetings with co-HR adbokeyts abawt ASEAN engeyjment.

I isteyd der for 5 deys. Siyempre seryoso kasi sayang naman ang pinamasahe at akomodeysiyon na ginastusan ng isponsor ng meetings kung hindi ko siseryosohin. Ayun tuloy… sumama ang utak ko sa pagtulo ng dugo sa ilong ko sa sobrang pagpapanggap na serious ako. Hehehe.



Makinig makinig sa usapan… manginginig manginig sa lamig ng erkon.  Pero maganda ng tinuluyan naming otel.  At masarap naman ang fud.  Ayos!!!

At sa pagitan ng mga pagtatalastasan ng matutokis na NGO wurkers na galling pa sa iba’t ibang bansa sa ASEAN naisip ko ang tulang ito…


Sunday, January 23, 2011

Huwag mong buhayin ang bangkay!

Photo source: http://sloone.wordpress.com

Nagmumulto ngayon ang muling pagbabalik ng “Death Penalty” o parusang kamatayan. Muling binubuhay ang pinatay ilang taon na ang nakakaraan.

Nagsimula ang lahat nang dumagsa ang karumaldumal na balita ng mga kaso ng pag-carnap at pagpatay at pagsunog sa katawan ng ilang mga negosyante (car dealers) nitong mga nakaraang mga araw. Nagkataon pa o sinasadya nga ata na nagmula pa sa mga kilalang personalidad ang nabiktima.

Nabiktima ang anak ni Atty. Lozano, driver nito at isa pang car dealer. Sumunod naman ay kamag-anak ni Manuel Roxas ang na-agawan ng sasakyan at ilang araw pa ay si Carl balita naman ang nanakawan ng Van.

Kaya naman itong si Vice President Binay ay natulak na magdeklara ng kanyang pagsuporta sa mungkahi ng ilan na ibalik ang parusang kamatayan. Agad namang nagmagaling din si Senator Revilla sa pagpapanukala na ibalik nga ito. Gayundin si Senator Enrile.

Epal din agad ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Na mauunawaan mo naman sa kanilang tindig dahil sa kanilang adbokasiya. Pero hindi ba nakakapagtaka na pag ang papatayin ay kriminal, ang akto ng pagpatay ay nagiging hindi krimen sa kanilang lohika.

Saturday, January 15, 2011

Relax lang

Ang akala ko ‘di ka kailan man na makikita
Hindi man hinanap ay dumating ka na parang hininga
Hindi ko man pinapansin ay laging nadarama
Hindi ko man aminin ‘di ka na kayang mawala
Dahil nang makita ka ako’y nagkabuhay bigla…

Madalas nagsisimula ang mga paggising ko sa umaga sa pagmumuni-muni. Siyempre bukod sa paninigas ng manoy ko, unang pag-ihi at pagpapakulo ng tubig para sa aking pagkakape at minsan pag-pupush-up.

Kasabay nga ng mga kung anu-ano ang pagtatanggal ng muta at kung minsan nga ay mas nauuna pa ang pagtulala. Madalas daig ko pa ang nakadroga na natutulala at natatangay ng mga kung anu-anong isipin. Parang nag-titrip.

Hanggang minsan nga datnan ako ng pangungulit ng pagtatanong na nanggaling ata sa kapeng aking ninanamnam ng araw na ito.

Friday, January 14, 2011

Isa kang nakaka-adik -- pagsinta

ang larawang ito ay hiniram sa may-ari nang di niya alam.

Daig ko pa ang nakadroga

Kapag nasa harap na kita (sa FB hehehe)

Di mo lang alam ngunit adik na atang talaga

Pagkat di mapakali sadyang natataranta

Kapag nagsimula na tayo sa paghunta (asa pa).


Ang mahalin ka ay pigil-pigil

Ngunit sadya lalo sa pangigigil

Umiwas man ay heto na nga

Di mo lang alam naadik na sa’yo ang mga tula…


(di mo lang alalam para sa iyo ito...hehehe)

Saturday, January 8, 2011

Kulayan mo ang buhay ko (Revised)

larawan: ni Rommel Yamzom, HR Day candle Lighting 2010 (hiniram ng walang paalam)

Kulayan mo ang buhay ko
Itim kung ibig mo
At isang awiting mula sa puso
Sana’y ihandog sa puntod ko

lagi kong mamarapating
dasal mo sa aki'y makarating
nang sa aking paglalakabay
ang mga mithiin mo'y laging kasabay

saan man makarating
sa kung saan man ako nanggagaling
lalaging ikaw ang dahilan
lalaging ikaw ang halinghing

magmumulto akong sa'yo'y umiibig
magmamaktol akong sa 'yo'y mananalig
sinusumpa kong magiging ligalig
ang pagsinta kong laging mananaig

at ang kapayapaan ay makakamtan lamang
kung magkukusa kang ang buhay ay kulayan
ang tanging hiling, nais na kahulugan
nawa'y iyong pansinin itong walang pakundangan.

na mahal kita
maging ako'y panawan...

Lihim na tingin (revised)

Larawan: Tarsier sa Bohol, hiniram nang walang paalam kay Rommel Yamzon

Lihim na tingin sa iyo’y ibinigay
Sana’y iyong damhin itong aking buhay
Kahit ‘di maaring ako’y ‘yong mahalin
Ay patuloy pa rin kitang iibigin

‘Di mo nga batid laman ng puso ko
Tibok nitong dib-dib ay ang pangalan mo
Sa bawat sandali ikaw ang aking buhay
At patuloy pa ring sa ‘yo’y maghihintay.

Kung sakali mang iyong mababatid
at tanggapin itong pag-ibig na hatid
sapat nang ang lahat-lahat ay mapatid
maging ang buhay kong matagal nang namamanhid.

Monday, January 3, 2011

Ang bagal mong maglakad! Bwiset!


Sa mga katulad kong walang sariling sasakyan (in short nangangarap lang at hindi na yata makakabili), ang paglalakad patungo sa mga sakayan ng mga pampasaherong jeep ay pasok sa araw-araw kong rutin. At sa araw-araw na redundant na pangayayari ay makakasabay ka ng mga kapwa mo rin naglalakad sa mahabang maikling paglalakbay sa buhay (contradicting)…

Nadadalas ang pagsabay sa akin ng mga kamag-anak ng mga namamasyal sa buwan. Yun bang mga mababagal magsipaglakad at wala atang pakialam kung may tao silang kasunod.

Nakakasabay ko din ang isa pa nilang kalahi. ‘Yun bang mga magsiyota na ginagawang luneta ang kalyeng dinadaanan ng mga nagmamadali. At parang aagawin ang kanilang mga syota sa sobrang higpit ng pagkakahawak. (o baka lang maligaw… ikaw naman)

Ang isa pang related din sa kanila ay etong mga sinasabayan ang paglalakad ng pagsinga at pagdura. Na kung gawin ito ay parang tanggap sila ng lipunan at hari sila ng kabababuyan.

Nandiyan din ang mga kung makasigaw ay tatalunin pa ang mga barker. Papansin.

Madami pa sila… Mga bwiset at humaharang harang sa daraanan ng mga nagmamadali.

Hindi kaya kamag-anak din nila (ako)tayo?

Wala lang…

Sunday, January 2, 2011

Ang pagbabalik…

Sa mundo ng pagsusulat, ang isang walang malay na katulad ko ay muling magbabalik. Sa kabila nang wala namang may paki o kaya ay interes… heto at muli kong tatangkaing isiwalat ang aking mga saloobin. Aksidente na lang kung may makahagip at mag-aakalang may mapapala sa pagbabasa nito.

Sayang naman ang espasyong libre para sa mga katulad ko.

Salubungin natin ang 2011 sa isang masiglang pagpapatianod sa mga isipin… at patuloy na pagtitimpla ng mga sitsirya…

Ang pagbabalik ng tulala.

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...