Monday, April 28, 2008

TRESE PESOS NA BIYAHE


Trese pesos na biyahe, papalayo sa ‘yo

Matapos ang isang pagniniig

Ng mga pangarap at panunuyo

Ng sandaling singbilis ng panaginip

Trese pesos na biyahe, nang iwanan kita

Singbilis ng pagtakbo ng daigdig

Ng mga isiping isinama

Sa paglayag ng pag-aalumpihit

Sa trese pesos, ako ay nagsisi

Mabuti pang nawalan ng pamasahe

At baka sakaling ako ay namalagi

Hindi na lumayo sa tabi mo’y nanatili.

Wednesday, April 16, 2008

I left my libag in Baguio

Nakakapagod din ang maging masaya

Kung nakakapagod malungkot, gayundin ang kasayahan

Paano ka magkakaroon ng reference ng kalungkutan kung hindi mo alam ang maging masaya

Hindi kasi magkakaroon ng saya kung wala rin ang lungkot. They exist para sa isa’t-isa. Hehehe may sense ba?

=======================

I left my libag in Baguio

sumama ako sa Baguio with the whole staff ng office. Masaya, exciting… pero hindi naman ako natuwa sa strawberries. Hindi rin ako nag-enjoy sa climate, dahil ganuon din naman kalamig sa loob ng office namin (dahil sa malakas na aircon) and hindi na rin ganuon kalamig sa Baguio dahil sa summer.

Tapos… umikot kami sa ilang part ng busy areas. Okay din kaya lang parang palengke rin at malls dito sa metro manila. Magulo, maraming tao at siyempre maraming options ng pamimili. Kaya di rin exceptional. Sabagay kakaiba ang mga slopes, ang mga kalsadang pababa at papanik, ang magagandang bahay at malalagong mga puno at bulaklak.

Sa banding huli, tanong ko pa rin sa topak ko atang sarili… “Nag-enjoy ka ba? San ka nag-enjoy?” Sagot ko sa sarili kong tanong… “OO naman. Sigurado ako. Kung saan? Kailangan pa bang imemorize ‘yan?”

Enjoy ako sa lahat ng nabanggit. Imagine pumunta ako ng Baguio at sa pamilihan… at nakapamili ako hehehe. Imagine nakapaglibot ang buong staff at nakasama ako hehehe. At higit sa lahat… parang bonding… ang corny ko hehehe… Binati namin ang E.D. namin ng “HAPPY B-DAY”

Enjoy ako na kaming lahat ay hindi nakapaligo maghapon, sa bilis kasi ng mga pangyayari…

Tuesday, April 15, 2008

PROBING MY SITSIRYA

Dumadami na ang mga creatures na nagtatanong... isa na silang clan, group, asosasyon, barkadahan o tribo o anupaman... basta ang alam ko sinusubukan nilang pasukin at busisiin ang mundo ng aking mga SITSIRYA.

Tina-try nga nilang alamin ang whereabouts ko… what?! Bakit naman?

A basta isa na silang bansa ng mga walang sense… walang saysay relatively… o para sa ‘kin, ewan ko sa iba…

Bakit walang sense ba ‘kamo? Maging interesado ba naman sa mga sinasabi ko.

Life's a box of choknut

Hayaang mong makausap kita

At di ko sasabihin

Subukan mong kita’y maisayaw

At di ako iindak

Sa lipad ng aking paglalayag

Ako’y magtataka

Kung bakit kasama nga kita?

Life’s a box of choknut

Alam mo ang laman at lasa

Surprised? Hindi na!

Am sure about that…

Pero pagdating sa ‘yo

Ay nababaligtad

Ang totoo ay

nagiging pambobola

truth hurts

pero mapagpalaya ika nga

your truth, my truth

anong paki nila?

Basta… a basta

Mahal na ata kita?

Isang tanong

Sagot ay akin na.

Ang gulo ko ba? hehehe

My head ache!

Kung medyo nagtagal-tagal pa (pertaining to the meeting I attended this morning, imagine hanggang hapon! Shit na malagkit!), siguro ay dumugo na ang ilong ko. O ‘di kaya naman ay nagpuputik na ang utak ko na kanina pa nagsusumigaw ng “HEY CREATURE...UTAK AKO! HINDI MAKINA!” at naririnig ko pang tumatawa ang utak ko, ay hindi pala… humahalakhak pala siya (LOL). Nakakabingi nga sa lakas. Huh?! Nababaliw na kaya siya? (aba at nakuha pang magtanong!)

Ganito pala ang pag-torture sa utak... kung gusto mong paduguin ang utak, ang ilong, o kaya naman ay pigain ang pang-unawa mo... all u have to do is try to understand other people’s ideas and when you start to disagree with them… then you start to try hurting yourself… hehehe.

Try mo lang… (Tulad ngayon kung ‘di mo ako maunawaan… subukan mo akong intindihin… baka maramdaman mong sinasabi ko.)

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...