Thursday, August 11, 2011

Lutang

Paggising ko pa lang alam ko na ang mga naghihintay na isyung haharapin.

Sinlawak ng karagatan, nakakalula samantalang simple lang naman. Ang kasimplehan ang siyang lumulula at kumukumplika o depende sa tumitingin. Depende sa kin.

Nandiyan ang kapatid ng imposibleng paglaya ng mga binilanggo ng mga may kapangyarihan.  Nandiyan ang kamag-anakan ng mga winawala ng mga bangis ng katotohanan.  Hindi rin pahuhuli ang mga pinsang ginutom at sinalat, winarak, inabusong dignidad.  Ang buong mag-anak ng katotohanang inaarok ng isang kuldit o grupo ng mga nagrereuniong problema ng lipunan.

Kung tutuusin, sa ganito nga ayaw mo nang magising pa.  Pero hindi ko kinakalimutan ang mga nagpapapagaang sa lahat ng ito na katulad mo. 

Ang mga dahilan ng pagpahid ng muta upang malinaw na makakakita.  Ang mga dahilan ng pagmumumog upang magbitiw ng mababangong salita.  Ang mga dahilan ng paghahanda sa isang mayos na buhay at lipunan.

Na hindi mo lang alam ay simple kang timbang upang akoy patuloy na maglayag sa karagatang hindi ako maluloblob kailan man.  Ang kasimplehang ito ang magpapalutang sa mga nalulunod sa karagatang sinlaki ng problemang wala atang kalutasan.

Ikaw ang simpleng sa aki’y nagpapalutang sa pusod ng higanteng karagatan.
   

Monday, April 18, 2011

Kung paano ko naisahan ang kababalaghan (Part2)

Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo.  Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?

Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit














Part 2: Man of stir

Isang malakas na tinig ng babaeng tumatawa ang nagbalik sa ulirat ni Juan.  Nakakubli ito dilim na nakapalibot kay Juan.

“Ikaw nanaman!” mahina ngunit mariin na nasabi ni Juan. Kilala niya ang nagmamay-ari ng malanding tawa.

“Gago ka palang talaga! Hindi ka nga maaring mamatay. Kaya kahit ilang beses ka pang magpasagasa mabubuhay ka pa rin! Hahaha!”

“Bakit sino ba nagsabi sa ‘yong nagpapakamatay ako?” Mahinahon na tugon ng nakangising si Juan.

Sunday, April 10, 2011

Kung paano ko naisahan ang kababalaghan

Isa akong frustrated writer ng fiction at horror.  Kaya naman share ko lang ang isang maikling kwento ng kababalaghang matagal nang nasa kukote ko, ang "Kung paano ko naisahan ang kababalaghan"
--------------------

Paano kung bigyan ka ng kapangyarihan? Ang maging immortal kapalit ng mga kababalaghang dapat mong idulot sa kapwa tao mo.  Paano mo ito matatalikuran? Paano mo ito matatakasan? Paano mo maiisahan ang kababalaghan?
















Handa ka bang ipalit
Ang hiwagang nangungulit
Handa ka ba sa pagpihit
Ng kapalarang isang saglit



Part 1: Faster dan da spid of layf

Palaging mabilis ang pangyayari sa buhay ni Juan. Matagal na niyang iniisip na talikuran ang mga kapangyarihang nakuha mula kay Lucy. Ngunit paano?

Habang nasa ganito siyang pag-iisip, nabigla ang driver ng taxing kanyang arkilado sa babaeng tumawid at nahagip ng kotseng kasabay nilang bumabaybay sa kung tawagin ay deadly hi-way.

Saturday, April 2, 2011

May tama! hahaha!

Share natin ang isang talento ng Pinoy.  Nakatuwaan ng kasamahan ko at ipinamahagi sa amin sa FB.  nang mapakingggan ko, nakakatawa nga siya. okey aprub!





Tuesday, March 29, 2011

Paano?



Eto ang ilan sa mga panahong hindi ko mapigilang sumenti. makiisa po tayo at ipanalangin natin sila Sally, Ramon, Elizabeth at lahat ng OFW na lalaging nasa bingit ng panganib ang buhay...

Share buttons

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...