Nagsimulang
magbilang
ang
patak ng ulan,
Ng bawat segundo
at mga minuto
Sinabayan
ang mabilis
na mga
hakbang
Ng ambong nakikipag-unahan
sa iyo patungo.
Gayun din
ang
tigatik ng pagkaba
Na nakikipag-dueto
sa
kulog na umaabala
Nakikipagtagisan
sa ingay
na manaka-naka
Ng dib-dib kong
namumugto na sa tuwa.
“Sa wakas ay makikita kang muli!”
ng
mga matang
kumikidlat sa ngiti
at sa paghalo
ng mga
kulog ng puso
sa pagbabanta ng isang bagyo
ng pagsuyo.
Ngunit
nang
ako’y
dipa na lang ang layo
Sa kinalalagyan mong
sinadya't
tinungo
Ay napatakan kang
may
ibang kaluguyo
Nagbaha
ang lungkot,
gumuho
ang
mundo.
Naiwanan
akong putikan
ang
puso
Sa panunuyong
lunod at lubog
Inanod
ng katotohanan
ng kawalan mo
Natigalgal
ang
diwa
sa
gitna ng
basang pagkatao.